http://www.facebook.com/notes/reporters-notebook/cyber-crime-law-at-volunteer-teachers-sa-reporters-notebook/449116581807712 |
REPORTER'S NOTEBOOK
October 9, 2012
CYBER CRIME LAW
Ulat ni Jiggy Manicad
Cyber pornography, identity theft, online fraud - ilan sa mga krimeng binibigyang parusa ng bagong pasang Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Pero ang ilang probisyon nito partikular ang pagkakasama ng libelo bilang krimen sa internet, umani ng batikos. Umabot sa labing-isang petisyon ang inihain sa Korte Suprema, lahat nagmumungkahing amyendahan ang batas. Paglabag nga ba ito sa karapatan ng malayang pagpapahayag.
VOLUNTEER TEACHERS
Ulat ni Maki Pulido
Sa tala ng Department of Education o DEPED, umaabot sa halos limampung libo ang bilang ng kakulangan ng guro sa buong bansa. Mas lalo pa raw lumala ang problema nang simulan ngayong taon ang K+12 program. Upang tugunan ang kakulangan, kumuha ang DEPED ng dalawampung libong volunteer teachers na magtuturo sa kindergarten. Pero puna ng ilan, hindi sila nabibigyan ng patas at tamang umento. Sa paggunita ng World Teacher's Month, suriin kung makatarungan ang kalagayan ng mga volunteer teacher.
No comments:
Post a Comment