MANILA – Child welfare group Akap-Bata Party-list launched on Oct 1, as kick-off for the National Children’s Month, a campaign dubbed ‘Red Alert vs Child Poverty.’ In a media forum in Quezon City, Bishop Deogracias Iñiguez of the Diocese of Caloocan, Ronnie Quizon, son of the late comedian Dolphy, and top leaders of Akap-Bata Partylist sent a strong warning to the government to heed the “alarming trend” in child poverty. They also urged the general public to help resolve the basic issues of children.
Some pre-school children joined in the campaign to raise the ‘red alert’ level vs poverty, as they raised their demand for shelter, proper nutrition, education, health care, protection and other basic needs which the Philippine government had previously acknowledged as children’s rights.
“Issues plaguing the Filipino children trace their roots to poverty and exploitation of poverty,” Iñiguez told Bulatlat.com in Filipino. But, under the present administration of President Benigno ‘Noynoy’ Aquino, child poverty in the country has been worsening, Akap-Bata noted in its 2012 report on the situation of Filipino children.
Latest data on Filipino children’s situation are disheartening based on the Akap-Bata report. As poverty worsens, so does the plight of the children, said Arlene Brosas, national secretary general of Akap-Bata. She also takes issue with the conflicting survey reports coming out supposedly saying there is less number of poor today, and yet the number of those who experience hunger has increased. Such statistics are illogical, Brosas said.
Akap-Bata warned that the numbers of uneducated, malnourished and homeless Filipino children is growing every day. Confounding that, it said in its report, are violations of the basic rights of our young citizens. The number of homeless children swells dramatically, it said, as demolitions of communities spread all over the country due to the Public-Private Partnership programs that are “framework economic policy” of the Aquino administration.
Akap-Bata blamed the continuing implementation of demolitions as responsible for the rise in number of street children, which now total 2.2 million.
As most member of Filipino families are children (17 years and younger), Akap-Bata also pointed to the tragic consequences of the recently reported rise in hunger incidences. Recent data reported that two in every three Filipino families are experiencing hunger; nearly three in every four families eat just once a day.
As a result of such pervasive hunger, nearly one in every three Filipino kids is stunted, and one in five is underweight, said Akap-Bata.
These alarming data increase further as our government and various local institutions continue to neglect and disregard the need to address the root causes of child poverty, the child welfare group said.
“We have to work for the welfare of the Filipino children, uplift their condition, in every venue we can, from Congress to (parliament of the) streets,” Brosas told Bulatlat.com. She said it is sad that until now, the number of children five years and below dying of preventable causes is still unchanged.
On top of all these, rights abuses aggravate poverty of children. Child labor in the Philippines now involves 5.5m children. Cases of child abuse and exploitation increase year after year, Akap-Bata warned. From 2008-2011 alone, it noted that “a record-high 41 cases of child soldier recruitment for paramilitary groups (as guides and shields for military operations) were reported.”
Photos and texts by Marya D. Salamat
http://bulatlat.com/main/2012/10/02/group-raises-%E2%80%98red-alert%E2%80%99-level-over-worsening-child-poverty-in-the-philippines/
___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
ULAT SA KALAGAYAN NG BATANG PILIPINO 2012
Inihanda ng: Akap Bata Party-List Committee on Research and Education
October 01, 2012
PAUNANG SALITA:
Ang mga bata ay may limitasyon sa kaalaman at pisikal na kakayahan upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili mula sa iba’t ibang tipo ng paglabag sa kanilang batayang karapatan. Dahil dito, masasabi natin na ang mga batang Pilipino ay isa sa pinaka-bulnerableng sektor sa isang lipunang laganap ang kahirapan at kawalan ng hustisya.
Batayang paniniwala ng Akap Bata Partylist (ABPL) na ang kalagayan ng batang Pilipino ay salamin ng lipunang Pilipino. Dahil dito, ang pagsusulong ng kapakanan at pagkalinga sa mga bata ay isang panlipunang responsibilidad.
Kaya naman mahalaga ang papel ng mga organisasyong masa at iba’t ibang tipunan ng mga child advocates o tagapagtanggol ng mga bata mula sa iba’t ibang saray ng lipunan upang maitaguyod ang karapatan ng mga batang Pilipino.
Inilabas ang praymer na ito bilang gabay ng ating mga coordinators at lider upang maipalaganap sa malawak na masa sa mabilis na paraan ang ating linya't pagsusuri hinggil sa kalagayan ng mga bata at upang higit pang itaas ang antas ng kamulatan, sigasig at pagkilos ng ating mga kasapi, boluntir at mga kaibigan sa larangan ng children’s advocacy.
Akap Bata Party-List Research and Education Committee
BALANGKAS:
I. SINO ANG BATANG PILIPINO?
II. ANO ANG MGA TAMPOK NA ISYUNG PAMBATA? ANO ANG MGA NAGPAPAHIRAP SA BATANG PILIPINO?
III. ANG ATING PANAWAGAN AT PAGTUGON SA KALAGAYAN NG MGA BATA
1. SINO ANG BATANG PILIPINO?
Batay sa depinisyon ng United Nations (UN) ang mga bata ay kahit sinong tao na nasa edad 17 taon pababa. Ang kalagayan ng kalakhan ng Pilipino ay siya ring kalagayan ng mga bata.
a. Populasyon ng mga bata. Apat sa bawat sampung Pilipino ay nasa edad na 0 – 17. Malaking bahagi sa bilang na ito ay ang mga bata (42%).
b. Tantos ng kahirapan. Umaabot ng 70% ng populasyong Pilipino ay nakararanas ng kahirapan. Tinataya na bawat Pilipino ay nabubuhay sa isang dolyar (Php 42) kada araw.
c. Kawalan ng lupang sinasaka bilang pagkukunan ng pagkain at kabuhayan.Walumpung porsyento (80%) ng lupain ng buong bansa ang kinokontrol ng nasa 1% ng populasyon na binubuo ng malalaking panginoong maylupa at asendero.
d. Kawalan ng Trabaho. Ang pinakamalalang tantos ng kawalan ng trabaho ay naitala sa taong 2002 – 2011. Umabot sa 11.1% o 4.3 milyong mamamayan ang walang trabaho.
e. Overseas workers. Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 9.5 milyong Pilipino o 10% ng buong populasyon ang nangingibang bansa upang magtrabaho habang 4,560 Pilipino ang umaalis sa bansa araw-araw (POEA).
f. Child Labor. Ayon sa quarterly labor surveys (BLES) nasa 4.2 million ang bilang ng mga child workers habang ang National Statistics Office (NSO) naman ay nagsasabing nasa 5.5 million ang mga child workers edad 5 – 17. Tatlong milyon sa mga batang ito ay nasa mapanganib na trabaho.
g. Street Children. Sa taong 2010, nasa 250,000 (UNICEF) hanggang 2.2 milyon (Chilren’s Rehabilitation Center, CRC) ang bilang ng mga batang kalye. Sila ay nabubuhay sa delikadong sitwasyon, malnourished, salat sa pangangalaga at biktima ng iba’t ibang pang-aabuso.
h. Infant mortality. 40 sanggol ang namamatay kada 1,000 sanggol na ipinapanganak, at karamihan sa mga ito ay nagmula sa pinakamahihirap na saray ng lipunan.
i. Stunted and underweight children. 32% ng mga batang Pilipino edad limang taon pababa ay bansot (stunted) habang 21% naman sa kanila ay kulang sa timbang (underweight).
j. Nutrisyon. Umaabot sa 66.9% ng pamilyang Pilipino ay tinatayang nagugutom habang 73.3% naman ng pamilyang Pilipino ang kumakain nang isang beses lamang isang araw batay sa tala sa taong 2008.
k. Basic Education. Mataas ang antas ng enrollment ngunit mababa ang antas ng nakatatapos sa pag-aaral. Ang 2012 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ng NSO ay nagsasabing 15.5% o 6.0 milyong bata at kabataang Pilipino ay di nakakapag-aral o Out-of-School Youth (OSY).
I. Education Shortages.
Sa taong 2011, umabot lamang sa 2.7% ang kabuuang gastos ng pamahalaan para sa edukasyon. Kaya naman di na nakagugulat ang datos ng DepEd hinggil sa kakulangan sa mga pampublikong paaralan sa taong 2011-2012:
m. Child rights violations. Ayon sa pananaliksik ng CRC, sa taong 2008 – 2011 ay may 41 na bata ang binasagang Child Soldiers, 4 na batang nirekluta sa Paramilitary groups at 22 bata ang ginamit na giya at pananggalang sa mga operasyong militar. Marami sa mga batang ito ay dumanas ng ilegal na pag-aresto at detention habang ang iba naman ay pinaparada pa sa midya.
n. Child Abuse. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, umabot sa 4,479 ang mga batang biktima ng pang-aabuso ang kanilang naasikaso para sa taong 2010. Ngunit hindi ito kumpletong datos ng aktwal na bilang ng mga biktima dahil hindi naman lahat ng biktima ay nagrereklamo at may limitasyon rin mismo ang mga serbisyo at program ng DSWD.
2. ANO ANG MGA TAMPOK NA ISYUNG PAMBATA? ANO ANG MGA NAGPAPAHIRAP SA MGA BATANG PILIPINO?
Ang mga sumusunod ay mga tampok na isyung pambata:
a. Edukasyon – Ang sistemang pang edukasyon sa bansa ay komersyalisado, kolonyal at may pasistang katangian. Tumatagos ang iba’t ibang katangian nito mula pre-school hanggang kolehiyo sa iba't ibang paraan. Komersyalisado ang sistemang pang-edukasyon dahil sa kalakhan ay hindi na ito serbisyong panlipunan na libre kundi negosyong edukasyon na pribilehiyo ng maykaya. Kolonyal ang sistemang edukasyon dahil hindi ito nakabalangkas at naglilingkod sa pangangailangan ng sambayanan, bagkus ito'y naglilingkod sa pampulitika at pang-ekonomyang interes ng dayuhan. Pasista ang oryentasyon ng sistemang edukasyon na makikita sa limitado o kawalan ng akademikong kalayaan, pagpigil sa mga mag-aaral at guro na maging bahagi ng kilusan at panawagan sa pagbabago, at may layuning ihulma ang mamamayang maging kimi at sunud-sunuran.
Halimbawa ng mga ito ay ang pagdami ng pribadong Day Care Centers at Kinder schools habang pito sa sampung bata ang hindi nakaka-akses sa Early Childhood Care and Education. Dahil sa kawalan ng depinidong badyet para sa serbisyong pambata, maraming mga bata ang hindi nakakapag aral sa maagang yugto ng kanilang buhay. Mahahalintulad din ang katulad na problema sa mga pampublikong paaralan sa elementarya, hayskul at kolehiyo. Madalas binabandera ang ambisyong “global competitiveness” na repleksyon ng kolonyal na oryentasyon ng edukasyon.
b. Kalusugan at Nutrisyon – Tumaas ang bilang ng mamamayang nakaranas ng “involuntary hunger” o pagka gutom dahil sa kawalan ng makakain. Ayon sa Social Weather Station (SWS) Survey, unang kwarto ng 2012 ay tumaas ng 23.8% o tinatayang 4.8 milyong pamilya ang nakaranas nito.
Diumano, ito ang pinakamataas na tantos ng kagutuman sa nakalipas na dekada. Karaniwan sa pamilyang Pilipino ay binubuo ng 2-3 na anak kaya kung titignan, malaking bahagi ng nakakaranas ng gutom ay mga bata. Ang malaganap, mabilisan at patuloy pagtataas ng presyo ng langis kasama ng presyo ng bilihin ay nagpapalalala sa kagutuman ng mga bata. Hindi kinakaya ng kakarampot na sweldo o kita ng kanilang mga magulang ang halaga ng bilihin. Nasasakripisyo ang kalusugan ng mga bata kapalit ng malaking tubo ng mga kumpanya ng langis at batayang bilihin. Ang karapatan sa pagkain ay kapantay ng karapatang mabuhay. Ito ay batayang karapatan ng lahat ng tao lalo na ang mga bata. Ang kagutuman at malnutrisyon ay mga problemang bunsod ng kawalan ng pambansang industriyalisasyon, ng tunay na repormang agraryo, ng trabaho at nakabubuhay na sahod ng manggagawa.
c. Tahanan – Sa implementasyon ng Public Private Partnership (PPP), mas marami pang pamilyang Pilipino ang mawawalan ng tahanan. Bukod sa pagkain, ang tahanan ay isa sa pangunahing kailangan ng tao lalo na ng mga bata dahil ang tahanan ang kanilang unang paaralan. Bukod sa nagsisilbing proteksyon sa init at lamig, ang tahanan ay lugar ng pagkalinga ng pamilya at pamayanan. Dito hinuhubog ang pagkatao ng mga bata. Kung kaya't kapag pinagkait sa kanila ang tahanan, o kaya'y pinalayas o dinemolis ang kanilang bahay, hindi lamang pisikal na istruktura ang sinisira kundi ang buhay-pamilya at buhay-pamayanan ng mga bata. Ang mga relocation sites ay mas masahol pa ang kalagayan kumpara sa mga komunidad ng maralita dahil ito ay malayo sa trabaho o hanap-buhay, walang kuryente at malinis na tubig, hindi maayos ang daan, at malayo sa paaralan at ospital.
Sa pinakamalalayo at pinakamahihirap na lugar naman sa kanayunan, sapilitang nililikas ng mga residente ang kanilang mga tahanan dahil sa matinding operasyong militar ng gubyerno. Ang mga operasyong militar na ito ay “counter-insurgency” operations ng gubyerno laban sa mga armadong grupo.
Karaniwang pinaghihinalaang suporter ng mga armadong grupo ang mga pamilya kaya't biktima ang mga pamilyang magsasaka ng intimidasyon, pananakot at malubhang paglabag sa karapatang pantao. Karaniwan ding ginagawang kampuhan ang mga paaralan at health centers kaya naman nakokompromiso ang pag aaral at kalusugan ng mga bata at ng buong pamilya. May matinding negatibong epekto sa edukasyon, pisikal at mental na kalusugan at kabuuang kabutihan ng mga bata sa mga lugar ng matinding militarisasyon.
d. Mga paglabag sa karapatan at kagalingan ng bata - Ayon sa UNICEF, isa ang Pilipinas sa may pinakamasahol na porma ng "child labor" sa anyo ng pagtatrabaho sa bukid, pagpapaalila bilang kasambahay at pagpapatrabaho sa mga kriminal na sindikato sa droga at prostitusyon. Nalalantad sila sa mga mapanganib sa sitwasyon, mga lihis na gawi, at lalo pang paglabag sa kanilang karapatan bilang bata at bilang tao :
• 2/3 ng mga batang biktima ng mga pang-aabuso ay mga batang babae;
• 55% ng mga batang biktima ng pang-aabuso ay nasa edad 10 – 17;
• Isa (1) sa limang (5) batang biktima ng pang-aabuso ay edad limang (5) taon pababa;
• 30% ng mga mga inireklamong pang-aabuso ay pag-aabandona (abandonment);
• 30% ng mga inireklamong pang aabuso ay sekswal napang-aabuso (rape, sexual harassment etc.)
• 23% ng mga mga inireklamong pang-aabuso ay pagpapabaya (neglect)
• 60,000 – 100,000 batang Pilipino ay biktima ng human trafficking (UNICEF)
• 50,000 batang Pilipino ang naitalang kinulong at inaresto sa loob ng labing anim (16) na taon
(Amnesty International)
• 4,000 children ang nakakulong kasama ang mga “hardened criminals” (UNICEF)
• Nasa 20,000 ang kinukulong kada taon (Child Rights Information Network)
Ang mga nasabing tampok na isyung pambata ay nagmumula sa batayang katangian ng lipunang Pilipino na ang ekonomya ay atrasado, agrikultural, walang lokal na baseng industriyal; at ang pulitika ay pinaghaharian ng mga panginoong maylupa, malaking burgesya komprador at dinidiktahan ng imperyalista. Sa ganitong lipunan, ang nakararaming pamilyang Pilipino ay dumaranas ng hirap at pagsasamantala. Ang mga batang anak ng magsasaka, manggagawa at maralita ay dumaranas ng kahirapan, kagutuman at kaapihan bilang bahagi ng pamilyang anakpawis. Ang mga batang Pilipino ay ekstensyon ng pagsasamantala sa kanilang mga magulang. Higit na apektado rin sila ng militarisasyon, pangangamkam ng lupa, kapiranggot na sweldo sa mga pagawaan at biktima rin ng demolisyon sa lungsod. Apektado ang pangkalahatang pag-unlad nila bilang mga bata dahil sa ganitong kalagayan.
3. ANG ATING PANAWAGAN AT PAGTUGON SA KALAGAYAN NG MGA BATA
Ang komprehensibong pagtugon sa mga pangangailangan, kapakanan at karapatan ng mga bata ay nangangailangan ng malalimang pagbabagong panlipunan. Ang kahirapan at kaapihan ng pinakamaraming pamilyang magsasaka, manggagawa at maralita ay kailangang labanan, at itaguyod ang kanilang kahilingan para sa trabaho, paninirahan at katarungang panlipunan. Sa ganitong paraan lamang natin maisusulong ang proteksyon, karapatan at kapakanan ng pinakamaraming mga batang anak ng magsasaka, manggagawa at maralita.
Ang Akap Bata Partylist ay isang maliit na bahagi lamang ng buong sambayanang kumikilos para sa pagbabagong panlipunan at pulitika ng pagbabago. Sa abot ng makakaya nito, umaambag ang Akap Bata Partylist upang maibsan ang kasalukuyang kalagayan ng mga bata, habang tinatanaw at naglilingkod din ito para sa lipunang tunay na malaya, masagana at progresibo.
Mahalaga ang papel ng sama-samang pagkilos upang higit pang maisulong ang laban para sa kagalingan at karapatan ng mga bata. Ang mga sumusunod ang ating mga panawagan sa iba’t ibang isyung pambata:
a. Edukasyon
Kailangang itaas ang budget sa edukasyon at sundin ang international standard ng UN na 6%budget allocation mula sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa; Pigilan at ibasura ang K+12 implementation at bagkus ay punuan ang mga kakulangan sa klasrum, libro at iba pang pasilidad; Itaas ang sahod ng mga guro-kalinga at kaakibat nito ay isulong ang Magna Carta for Day Care Teachers; Higit sa lahat ay isulong ang makabayan, siyentipiko at makamasang sistema ng edukasyon.
b. Kalusugan at Nutrisyon
Kailangang tutulan ang pribatisasyon ng mga ospital at dagdagan ang pondo para sa pampublikong ospital; Ibasura ang Oil Deregulation Law upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin; Itaas ang sweldo ng mga manggagawa, ibaba ang presyo ng bilihin at tanggalin ang 12% vat sa mga pangunahing bilihin upang makayanan ng mga magulang at mga tagapangalaga na maghain ng mas masustansyang pagkain sa mga bata; Higit sa lahat ay kailangang isulong ang pambansang industriyalisasyon at ipatupad ang tunay na repormang agraryo upang umabante ang ekonomiya at magkaroon ng maayos na hanapbuhay ang mga pamilya .
c. Tahanan
Kailangang itigil ang demolisyon, ilantad at labanan ang PPP(Public Private Partnership); Ibasura ang Urban Development and Housing Act (UDHA) na lalong nagtulak sa mga demolisyon, nagpalala sa negosyong pabahay ng gobyerno, at nagsilbi sa interes ng malalaking negosyante sa halip na maralitang pamilya. Labanan ang mapanlinlang na Community Mortgage Program (CMP) na negosyong pabahay ng gobyerno. Kailangang itigil ang militarisasyon at sa halip ay tugunan ang mga ugat ng armadong labanan gaya ng kahirapan at pagsasamantala. Labanan ang mga paglabag sa karapatang pantao ng mga bata.
IPAGLABAN ANG PROTEKSYON, KARAPATAN AT KAGALINGAN NG MGA BATANG PILIPINO.
IPAGLABAN ANG EDUKASYON, PAGKAIN AT TAHANAN PARA SAMGA BATA.
ISULONG ANG LIPUNANG TUNAY NA MALAYA, MASAGANA AT PROGRESIBO NA KAKALINGA SA MGA
BATA.
THE 10 RIGHTS OF A CHILD (SAMPUNG KARAPATAN NG MGA BATA)
1.Right to be born, to have a name and nationality
(Karapatang ipanganak, magkaroon ng pangalan at pambansang identidad)
2. Right to have a good shelter and a loving family that will care of them
(Karapatang magkaroon ng maayos na tahanan at pamilyang kakalinga sa kanila)
3. Right to eat nutritious food and to have a healthy and energetic body
(Karapatang makakain ng masustansyang pagkain upang maging malusog at aktibo ang pangangatawan)
4. Right to have enough education to develop their skills and talents
(Karapatang magkaroon ng sapat na edukasyon upang mapaunlad ang kanilang kakayahan at talento)
5. Right to play and have enjoyment with their friends
(Karapatang makapaglaro at maging masaya kasama ng kanilang mga kaibigan)
6. Right to be protected against all forms of abuses
(Karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng tipo ng pang-aabuso)
7. Right to live in a peaceful and child-friendly community
(Karapatang mabuhay sa isang mapayapa at maka-bata na komunidad)
8. Right to be protected and helped by the government
(Karapatang mapangalagaan at matulungan ng gobyerno)
9. Right to express their own views, opinions and ideas
(Karapatang maipahayag ang kanilang mga saloobin, opinyon at ideya)
10. Right to participate in activities and social gatherings
(Karapatang maging bahagi ng mga aktibidad at panlipunang pagtitipon)
SANGGUNIAN:
Profile of the Filipino Children, National Democratic Front (NDFP), June 17, 2012
The NDFP’s Defense of the Rights of the Child, Prof.Jose Ma. Sison, October 25, 2005
Uncounted Lives, UNICEF, 2007
SWS Data bank
NSO Data bank
Ibon Foundation Data bank
Children’s Rehabilitation Center Data bank
No comments:
Post a Comment