Showing posts with label Mother Tongue Based - Multilingual Education. Show all posts
Showing posts with label Mother Tongue Based - Multilingual Education. Show all posts

Thursday, September 27, 2012

Thoughts on the Commision on the Filipino Language

Banner downloaded from  http://www.kwf.gov.ph/faq/ang-kwf/










Republic Act 7104 signed by President Corazon Aquino in 1991 created the Commission on the Filipino Language (Komisyon sa Wikang Pilipino(KWF)). Section 14 of this law describes the mission of this new body :

The Commission, pursuant to the pertinent provisions of the Constitution, shall have the following powers, functions and duties:
(a) Formulate policies, plans and programs to ensure the further development, enrichment, propagation and preservation of Filipino and other Philippine language;
(b) Promulgate rules, regulations and guidelines to implement its policies, plans and programs;
(c) Undertake or contract research and other studies to promote the evolution, development, enrichment and eventual standardization of Filipino and other Philippine languages. This will include the collation of works for possible incorporation into a multi-lingual dictionary of words, phrases, idioms, quotations, sayings and other expressions, including words and phrases from other languages now commonly used or included in the lingua franca;
(d) Propose guidelines and standards for linguistic forms and expressions in all official communications, publications, textbooks and other reading and teaching materials;
(e) Encourage and promote, through a system of incentives, grants and awards, the writing and publication, in Filipino and other Philippine languages, of original works, including textbooks and reference materials in various disciplines;
(f) Create and maintain within the Commission a division of transaction which shall encourage through incentives, undertake and vigorously support the translation into Filipino and other Philippine languages of important historical works and cultural traditions of ethnolinguistic groups, laws, resolutions and other legislative enactments, executive issuances, government policy statements and official documents, textbooks and reference materials in various disciplines and other foreign materials which it may deem necessary for education and other purposes;
(g) Call on any department, bureau, office, agency or any instrumentality of Government or on any private entity, institution or organization for cooperation and assistance in the performance of its functions, duties and responsibilities;
(h) Conduct, at the national, regional and local levels, public hearings, conferences, seminars and other group discussions to identify and help resolve problems and issues involving the development, propagation and preservation of Filipino and other Philippine languages;
(i) Formulate and adopt guidelines, standards and systems for monitoring and reporting on its performance at the national, regional and local levels; and submit to the Office of the President and to Congress an annual progress report on the implementation of its policies, plans and programs;
(j) Appoint, subject to the provisions of existing laws, its officials and employees and such other personnel as are necessary for the effective performance of its functions, duties and responsibilities; and dismiss them for cause;
(k) Organize and reorganize the structure of the Commission, create or abolish positions, or change the designation of existing positions to meet the changing conditions or as the need therefore arises; Provided, that such changes shall not affect the employment status of the incumbents, reduce their ranks, decrease their salaries or result in their separation from the service; and
(l) Perform such other activities which are necessary for the effective exercise of the abovementioned powers, functions, duties and responsibilities.

Its director, Roberto Añonuevo, recently wrote on his blog "Panukalang Pagbabago sa Komisyon sa Wikang Filipino" (Recommended Reforms in the Commission on the Filipino Language). In the article, Añonuevo laments on his perceived failures of the commission. Here are some excerpts:
...Nakalulungkot isiping nabigo ang KWF ng kalukuyang panahon na isagawa ang mga itinatadhana ng batas. Walang malinaw na pambansang patakarang nabuo ang Lupon ng mga Komisyoner sa ilalim ng pamumuno ni Kom. Jose Laderas Santos, at ang ganitong pangyayari’y patutunayan ng mga rekord sa opisina. Nagmungkahi ako ng mga programang pangwika na puwedeng isaalang-alang ng lupon, ngunit ang tinig ng butihing Punong Kom. Santos ay waring nakapangyayari sa lahat at hindi ang lawas kolehiyado. Ang pagbubuo ng mga patakaran at programa ay dapat nakaayon sa saliksik at pag-aaral, ngunit dahil hindi naman ginagampanan ng KWF ang tungkuling magsaliksik hinggil sa Filipino at iba pang wika, umaasa na lamang ang KWF sa mga saliksik ng ibang pangkat at nagpapasiya alinsunod sa anumang itatakda ng pambansang pamahalaan. 
Kaya napakahirap hingan ang KWF ng katumbas na opinyon na magtataguyod ng Mother-tongue based Multilingual Education (MTB-MLE) bilang pamalit sa dating bilingguwal na edukasyong itinatadhana ng Saligang Batas 1987 at sinegundahan ng DECS Order Blg. 52, s. 1987 na may petsang 21 Mayo 1987. Pumasok ang KWF sa patakarang MTB-MLE ng Kagawaran ng Edukasyon (at siyang isinusulong ni dating sinibak na Punong Kom. Ricardo Ma. Nolasco at ipinagpatuloy ni Punong Kom. Santos) nang walang malinaw na parametro ng paglahok. Naging parang utusan ang KWF na gumawa lamang ng mga ortograpiya sa 12 pangunahing wika mula sa buong kapuluan; nagrepaso ng ilang teksbuk na itinataguyod ng DepEd at binigyan ng imprimatur ang mga ito kung kinakailangan; at nakilahok sa mga panrehiyon at pambansang seminar. Ngunit hindi iyon sapat, at hindi sapat ang maging pasibo sa usaping pangwika. 
Ideal ang MTB-MLE dahil sinisikap nitong turuan ang bata alinsunod sa wikang kinagisnan nito. Gayunman, hindi isinaalang-alang ng mga tagapagtaguyod ng MTB-MLE ang ibang balakid, gaya ng iba’t iba ang wikang kinagisnan ng mga bata na tinipon sa isang silid-aralan at kinakailangang maging polyglot ang guro; na dapat rebisahin ang kurikulum upang umayon sa MTB-MLE at K-12; na kulang ang materyales sa pagtuturo at hindi sapat ang mga pagsasanay sa guro; at kung ang lingguwa prangka, na gaya ng Filipino, ay gagamitin kung sakali’t may pagtatalo kung sa aling wika ituturo ang mga asignatura. Sa ganitong pangyayari, ang KWF sa ayuda ng DepEd ay dapat nagsasagawa ng mga saliksik upang maisaalang-alang sa pagsasakatuparan ng bagong patakarang pangwika at pang-edukasyon, alinsunod sa panrehiyong bisyon sa antas ng ASEAN, kung hindi man Asya-Pasipiko. 
Kinakailangang magbalik ang KWF sa seryoso at dibdibang pananaliksik....
Añonuevo points out directly that the commission has failed in its research mission. Instead of being proactive in studies on the languages of the Philippines, KWF has relied on other organizations or branches of government to do this work. Instead of acting as an advisory body for drawing national policies on languages, the commission simply waits for what the national government hands out. The KWF has failed to provide input and expert opinion, for example, to the Mother-tongue based multilingual education (MTB-MLE) component of DepEd's K to 12. Instead, the KWF simply served as a tool, providing DepEd with rushed standardized systems (orthography) for 12 major languages used in the Philippines, reviewing some of the new textbooks recommended by DepEd, rubber stamping these if needed, and participating in various regional and national seminars. These, according to Añonuevo, are not enough.

Añonuevo recognizes the importance of mother tongue instruction but he emphasizes the need to identify properly the challenges of such program. And the items he enumerated above are: students in one classroom having different mother tongues, teacher expertise and preparation, subjects need to be revised to match the mother tongue, and lack of teaching and learning resources in mother tongue. The Commission has not been able to guide and shape these programs. Añonuevo continues in article with citing specific instances and programs that raise serious questions of propriety. The successful implementation of DepEd's K to 12 MTB-MLE requires a diligent body of language experts. Unfortunately, according to Añonuevo, that body is not doing its job.

Wednesday, August 22, 2012

Teaching Literature in Elementary Schools in the Philippines

The following is a lecture given by Genaro R. Gojo Cruz on how to introduce literature to grade school children. It highlights the importance of culture, basically emphasizing that the mother tongue is much more than just using the language at home. More importantly, to arouse interest among the students, Cruz provides several useful suggestions. 

Ilang mga Metodo Ko sa Pagtuturo ng Panitikan sa Elementarya 
ni Genaro R. Gojo Cruz


Aaminin kong may pagkiling ako sa panitikang pambatang isinulat ng mga manunulat na Pilipino para sa mga batang Pilipino. Naniniwala kasi akong binibitbit ng mga panitikang pambata, partikular ng mga kuwentong pambata ang kultura o sensibilidad ng mga batang Pilipino. Ibang-iba ang karanasan ng mga batang Pilipino sa ibang batang di nakatira sa Pilipinas. Naniniwala akong mabisang instrumento ang panitikang pambata na ilapit ang mga batang Pilipino sa kanyang kultura. At buo rin ang aking paniniwala na mabisang instrumento ang guro upang ilapit ang mga bata sa kanilang panitikan. Ang guro ang talagang pinakamalapit o pinakamadalas humawak ng panitikan. 

Ang tinutukoy ko ay di ang mga kuwentong mababasa sa inyong mga teksbuk dahil ang mga ito ay di maituturing na mga kuwentong pambata. Ang tinutukoy ko rito ay ang mga kuwentong nailathala bilang mga aklat-pambata, halimbawa, ang mga aklat-pambata na inilalathala ng Adarna House, Lampara Books, Tahanan Books, Gintong Salakot, Mga Kuwento ni Lola Basyang ng Anvil, CANVAS at iba pa. 

Marami kasi sa mga kuwentong nasa teksbuk ay di isinulat ng talagang mga manunulat, kung kaya halatang-halata ang kakulangan ng mga ito sa kasiningan. Halatang-halata na pilit na isiningit ang mga aralin sa wika. Halimbawa, kung ang aralin ay tungkol sa pangngalan o pandiwa, asahang mamumutiktik sa pangngalan o pandiwa ang kuwento. Pilit na pilit ang mga kuwento. Kung kaya madalas, nilalayuan ng mga bata ang panitikan o ang pagbabasa sa kabuuan. Paano nga ba naman nila magugustuhan at matutuklasan ang hiwaga ng panitikan kung “pilit” at “palpak” ang mga kuwentong nababasa nila sa kanilang teksbuk. 

Kung kulang sa de-kalidad ng panitikan ang mga teksbuk, ang ilang guro naman, ang mismong mga mag-aaral ang pinaghahanap. Gumawa ng album ng dalawampung tula, dalawampung alamat, dalawampung kuwentong-bayan, dalawampung pabula at iba pa. Nalintikan na! Paano nga ba naman magugustuhan ng mga mag-aaral ang panitikan na sa una’y dapat munang makapag-entertain sa kanila? Itinuturing kong pinakamasamang magagawa ng guro ang bisyong ito ng pagpapa-album. 

Kaya nga sa aking pagtuturo noon sa elementarya, nawalan ng silbi ang teksbuk sa aking pagtuturo ng panitikan. Nagsimula akong bumili at mag-ipon ng mga babasahin, aklat pambata na magagamit ko sa aking pagtuturo. Linggu-linggo’y bumibili ako noon ng Liwayway, Pambata Magasin o ng mga pahayagan tulad ng Philippine Daily Inquirer na may kasamang Junior Inquirer Magazine na may mga kuwento at tulang isinulat mismo ng mga batang Pilipino. Naging mabisang katuwang ko sa pagtuturo ng panitikan sa elementarya ang mga ito. Nakatutuwa ring isipin na higit na nakakaugnay ang aking mga mag-aaral sa kanilang mga binabasa, dahil ang ilan sa mga ito ay isinulat din ng mga batang tulad nila. Binabasa nila ang kanilang mismong panitikan.

Samakatuwid, kailangang maging sensitibo ang guro sa pagpili ng panitikang dapat basahin o ipabasa sa kanyang mga mag-aaral. Sa aking ding karanasan, higit na naging masaya at aktibo ang klase kapag magagandang panitikan ang aming pinag-uusapan. Higit na naging natural ang pagsagot at pagkatuto ng mga mag-aaral. Natutuhan nila ang wika sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito. Iwasan na ang lagi’t laging pagpapabilog, pagkakahon, pagguhit, at iba pa sa mga salita. Ipagamit na ito mismo sa mga bata ang wika sa halip na ipakabisado. 

Narito ang ilan sa mga hakbang sa pagpili ng panitikan para sa mga mag-aaral:

1. Piliin ang mga kuwentong-pambatang isinulat ng mga manunulat na Pilipino sa mga batang Pilipino. Malaking tulong ito upang magkaroon ng interes ang mga bata sa kuwento dahil malapit sa kanilang karanasan ang kuwento. Maganda ring ipakilala sa mga bata ang manunulat na Pilipinong sumulat ng kuwento. 

2. Piliin ng mga kuwentong-pambata naaayon sa antas ng pag-iisip, kasanayan, interes, kultura o gawi ng pamumuhay, at pangangailangan ng mga mag-aaral. Kung problema ng guro ay ang kalinisan ng kanyang mga mag-aaral lalo na sa mga pampublikong paaralan, may mga kuwento ukol sa kalusugan na maaaring magamit. Mahilig naman sa mga kuwento na hayop ang bida ang mga mag-aaral sa Ika-1 hanggang Ika-2 baitang. 

3. Siguruhing naaayon sa layunin ng gagawing pagtuturo ang piniling kuwentong-pambata. Halimbawa, kung ang layunin sa pagtuturo ay makilala’t makapagbigay ng puna sa pangunahing tauhan, piliin ang mga kuwentong nagbibigay diin sa taglay na katangian ng pangunahing tauhan. Kung ang layunin naman ay maibigay ang banghay ng kuwentong nabasa o napakinggan, piliin ang mga kuwentong ukol sa kasaysayan na nagbibigay diin sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Marami ng aklat-pambata sa Pilipinas at tiyak na di mauubusan ang guro.
4. Kung nais ng gurong ikuwento sa mga bata ang mga aklat-pambatang tumatalakay sa maseselang isyu, tulad halimbawa ng paghihiwalay ng mga magulang, mga sakit tulad ng AIDS, at iba pa, kailangang munang magbigay ang guro ng mga kaugnay na gawain bago simulan ang pagkukuwento o pagbabasa. Kailangan din ang maingat na pagpoproseso pagkatapos. Huwag na huwag iiwan sa ere ang kuwento lalong higit ang mga bata. 

Narito naman ang ilan sa mga hakbang na aking ginagamit sa pagtuturo ng panitikan sa elementary.

1. Bago ko gawin ang pagbabasa o pagpapabasa, nagsisimula akong lagi sa karanasan o sa kung ano ang alam ng mga mag-aaral (establishing prior knowledge). Bukod sa ito ang paraan ko ng paghahanda sa kanila, nabibigyan din sila ng pagkakataong mailahad nang natural ang kanilang mga karanasan. Sa ganitong paraan, nalalaman ng bata na may “gamit” o “silbi” pala ang kanyang alam sa loob ng klasrum. Ngunit kung walang karanasan ang bata kaugnay ng paksa ng kuwento, maaaring gumawa ang guro ng mga gawain na magbibigay sa kanila ng karanasan. Halimbawa, kung ang kuwento ay tungkol sa isang bulag, maaaring i-blind fold ang mga mag-aaral. Itanong kung ano ang kanilang nararamdaman. Patayuin sila. Palakarin nang bahagya. Itanong kung ano ang kanilang karanasan. Mahirap ba o madali ang maging bulag? Pagkaraan nito, gumawa ng tulay na mag-uugnay sa karanasang ito ng mga mag-aaral sa kuwentong babasahin o ipababasa. Kailangang maging malikhain ang guro sa pag-iisip ng mga gawaing dudukal sa dating kaalaman o karanasan ng mga mag-aaral. Huwag na huwag agad sisimulan ang pagbabasa o pagpapabasa ng kuwento. 

2. Bukod sa nabanggit sa unang bilang, ginagamit ko ring hakbang sa pagkuha ng dahil kaalaman ng mga mag-aaral ang Alam na, Nais Malaman, Nalaman o ang Know, What to know, Learned (KWL). Sa pamamagitan nito, natataya ng mag-aaral ang sarili ukol sa kanyang mga alam na, gustong malaman at pagkaraan na making o mabasa ang kuwento ang kanyang natutuhan o nalaman. Mabisang gamitin ito sa mga kuwentong tumatalakay sa kasayasayan at kalusugan. 

3. May mga kuwentong di malinaw kung ano o sino ang pangunahing tauhan, kung kaya ipaguguhit ko sa mga mag-aaral ang itsura ng pangunahing tauhan. Matapos kong mabasa ang ilang pangungusap o talata ng kuwento, hihinto na ko at itatanong ko sa mga mag-aaral kung ano o sino ang nagsasalita sa kuwento. Iguguhit nila sa isang papel ang naiisip nilang itsura ng pangunahing tauhan. Sa pamamagitan nito, nasusubok at nahahasa ang kanilang imahinasyon o malikhaing pag-iisip. Pagkatapos nito, ididikit ko sa pisara ang mga kanilang mga guhit at magpapatuloy na ako sa aking pagkukuwento. Pagkaraan, itatanong ko kung alin sa mga itsura ng mga tauhang nasa pisara ang pinakamalapit sa tauhan sa kuwentong aking binasa. Mabisa ito sa mga mag-aaral na nasa ika-1 hanggang ika-3 baitang. 

4. Kung ang mga mag-aaral ang mismong mababasa ng kuwento, madalas na sinasabi ko muna ang pamagat ng kuwentong kanilang babasahin. Magbibigay ako ng kaunting lektyur ukol sa may-akda ng kuwento at iba pang kaugnay paksa ng kuwento. Pagkaraan nito, ang mga mag-aaral mismo ang gagawa ng tanong na maaaring masagot ng kuwentong kanilang babasahin. Isusulat ko ang kanilang mga tanong sa pisara, lahat ay tinatanggap ko. Pagkaraan na makapagbigay ng tanong ang lahat ng mag-aaral, ipapakritik ko sa kanila ang mga tanong. Alin sa mga tanong ang pareho lamang? Alin ang maaaring pag-isahin na lamang? Sisikapin kong makapagtira ng sampung (10) mahuhusay na tanong. Ang mga tanong na ito ang sasagutin ng mag-aaral. Sa pamamagitan nito, natutuhan ng mga mag-aaral ang mabisang pagbabasa. Malinaw na sa kanila ang kanilang layunin sa pagbabasa dahil natukoy na ang tanong na kanilang sasagutin. Mahirap ang gawaing ito kung kaya nababagay ito sa ika-6 na baiting. Magagamit ito sa mga kuwentong loaded ng mga impormasyon o kaalaman. 

5. Madalas kong ginagamit ang istratehiyang Pinatnubayang Pagbasa at Pag-iisip o ang Directed Reading Thinking Activity (DRTA). Napatunayang kong patok ang paraang upang isangkot ang mag-aaral sa pakikinig at ilapit sila sa panitikan. Sa paraang ito, hinahati ko ang buong kuwento sa kapana-panabik na bahagi, at sa bawat bahagi ay nagbibigay ako ng mga tanong kaugnay na susunod na pangyayari. Nasusubukan nito ang husay ng mga mag-aaral sa matalinong paghihinuha. At dahil sa kanilang kasabikan na malaman ang susunod na pangyayari, sila ay nakikinig. Mabisa ito sa lahat ng baitang sa elementarya. 

6. Sa mga kuwentong may dalawa o higit pang tauhan, ginagamit ko ang habing ugnayan (relationship web). Malaking tulong ito upang makita nang biswal ng mga ang ugnayan ng mga tauhan sa kuwento. Madalas na inihahanda ko na ito. Bahala na ang mga mag-aaral na magpunan ng mga ito habang o pagkatapos makinig o magbasa. Binibigyang-diin ko sa gawaing ito na kailangan ng isang tao ang iba upang mabuhay. Kailangan niyang makipag-ugnayan sa iba upang mabuhay. Ang ganitong gawain ay nababagay sa Ika-5 hanggang ika-6 na baitang. 

7. Kung ang kuwento naman ay nagbibigay-diin sa taglay na katangian ng dalawang tauhan, ginagamit ko ang venn diagrams. Bukod sa madaling makita ang ugnayan ng dalawang tauhan, nakikita rin agad ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba. Dahil dito, madaling napagtitimba-timbang ng mga mag-aaral kung sino ang higit niyang gusto sa dalawang tauhan. 

8. Madalas ko ring gamitin ang pagbibigay regalo sa mga tauhan (gifts to characters). Bawat mag-aaral ay mag-iisip ng isang regalong gusto niyang ibigay sa isa sa mga tauhan sa kuwento. Ilalagay niya sa kahon ang kanyang gusting iregalo, ito ay maaaring tunay na bagay o hindi, basta ang pinakamahalaga ay ang munting card na nakakabit sa kahon. Nakasulat sa munting card ang dahilan kung bakit iyon ang kanyang iniregalo sa pangunahing tauhan. Maaaring magpalitan ng regalo ang mga mag-aaral. Sila rin ang magbubukas at magbabasa ng mga nakasaulat sa munting card. Sa ganitong paraan, natutukoy ng mga mag-aaral ang suliranin ng kuwento o ang pangangailangan ng pangunahing tauhan. Mabisa ang hakbang na ito sa lahat ng baitang sa elementarya.

9. Ginagamit ko rin sa pagtuturo ng panitikan sa elementarya, ang pagtatanong na nagsisimula sa “Ano kaya kung” o “What if”. Ano kaya kung ikaw ang pangunahing tauhin sa kuwento? Ano ang iyong gagawin? Ano kaya kung may lumang aparador sa loob ng inyong bahay na parang kuweba? Ano ang iyong gagawin? Mapapansing sa pagsagot ng mga mag-aaral sa mga tanong na ito, bukod sa naiiugnay na nila ang kuwento sa kanilang sariling karanasan, lumilikha na sila ng sarili nilang kuwento. Madalas na isinusulat ko sa kapirasong papel ang mga “Ano kaya kung” na mga tanong at ang bawat isa ay bubunot. Mabisa itong gamitin sa mga kuwento ukol sa kababalaghan.

10. Mapapansing ang mga ibigay kong paraan, istratehiya, o hakbang sa pagtuturo ng panitikan sa elementarya ay mahahati sa tatlong bahagi—bago bumasa, habang bumabasa, at pagkatapos bumasa. Mahalagang may nakalaang gawain ang guro sa bawat yugto. At siguruhing may ugnayan ang mga gawain bago bumasa, habang bumabasa at pagkatapos bumasa. Mahalaga ring iayon ang mga gawain sa kakayahan at antas ng pag-iisip ng mga mag-aaral. 

Walang iisang mabisang teknik sa pagtuturo ng panitikan sa elementarya. Kung minsan o madalas, di talagang nagtutugma ang iniisip o inaasahan na magiging resulta o daloy ng pagtuturo ng guro sa tunay na nangyayari sa loob ng klasrum. Madalas ding iba ang nangyayari sa klasrum sa nakasulat sa lesson plan ng guro. Kaya mabuting maging kargado ng iba’t ibang teknik ang guro sa pagtuturo ng panitikan sa elementarya. Kung nakukutuban niyang di magiging mabisa ang teknik na nakasaad sa banghay-aralin, at kung di rin naman nakamasid ang principal na madalas ay sarado sa ganitong mga pagbabago, agad siyang makakaisip ng iba. Mahalagang dapat isaalang-alang lagi ang kapakanan ng mga mag-aaral.

Sa mga guro, maipapayo kong magdokumento ng inyong mga sariling karanasan o teknik sa pagtuturo ng panitikan sa elementarya. Alam kong ilan o marami sa aking mga ibinahagi ay di na bago sa inyo, o matagal na ninyong ginagamit sa inyong pagtuturo. Ngunit sa aking palagay, lagi’t laging nagiging bago pa rin ang mga teknik na ito dahil taun-taon, iba-iba ang ating mga nagiging mag-aaral. Bagong-bago sa kanila ang karanasang maituro natin ang panitikan gamit ang mga estratehiyang ito. At higit sa lahat, mahalagang matutunan ng mga guro ang magbahaginan ng mga karanasan sa pagtuturo ng panitikan. Ang totoo naman kasi’y sa isa’t isa tayo talagang matuturo. Sa ating mga karanasan sa pagtuturo at di sa mga libro o sa mga ispiker na tulad ko, tayo talagang natututo.

Kaya sana, sa mga darating na panahon, ‘yung mga gurong nasa field talaga ang nabigyan ng pagkakataong maging ispiker sa mga ganitong seminar-worksyap. ‘Yung talagang nakalublob talaga ng ilang taon sa field. At kung mangyayari ito, ako ay talagang dadalo at unang-unang makikinig sa inyo. Dahil gustong-gusto ko ring matuto.

(Lektyur sa SANGFIL, Hulyo 9, 2009, UP NISMED)

___________________________________________________________________________________________

Cruz leaves an important message at the end of his lecture that is worth reiterating. "Those teachers who are on the ground should be the ones given an opportunity to speak in this type of seminars or workshop. Those who are truly on the front line of teaching should be speaking here. And if this happens, I can assure that I would be among the first to attend and listen. Because I really would like to learn more."

Tuesday, August 7, 2012

Hanggang Kailan Tayo Magiging Mangmang Tuwing Agosto?

ni Genaro R. Gojo Cruz

Sa tingin ko, di talagang nakatutulong ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika taon-taon sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Ang malala pa, mas ipinakikita ng pagdiriwang na ito tuwing Agosto na di talaga natin pinahahalagahan ang ating wikang pambansa.

Bakit kailangan pang dumating ang buwan ng Agosto upang ipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa sariling wika? Di ba't sa tagal na natin itong ipagdiriwang, kailangang naisanib na natin ito sa ating buong pagkatao o sa sistema ng ating pag-iisip?

Di lamang sa buwan ng Agosto dapat ipagdiwang ang wikang pambansa kundi sa buong panahon ng ating pag-iral bilang tao at bilang Pilipino. Ito ang wika ng ating pinakamimithing pangarap, ang bukal ng ating ligaya at galit, ang wika ng ating panaginip. Sa wikang ito lamang natin maipahahayag nang tapat at buong-buo ang ating saloobin, nadarama at iniisip na hinding-hindi kayang gawin sa wikang banyaga tulad ng Ingles.

Pero sabi nga, maikukumpara sa isang bata ang mga Pilipino at ang buong Pilipinas. Lagi't laging dapat paluuin at paalalahanan. Madali kasi tayong makalimot sa mga bagay na dapat nating unahin at tangkilin bilang mga Pilipino. Maikli ang memorya nating mga Pilipino. Dagdag pa, na ang mga pinakakolonyal mag-isip ay ang mga aral na Pilipino. Bugbog sila ng mga kaalamang inangkat din sa ibang bansa. Naniniwala silang nasa Ingles ang pag-unlad. Tunay na inilalayo ng sistema ng edukasyon ng ating bansa ang mga Pilipino sa sarili nitong wika at kultura. Pero sa katotohanan, ang mauunlad na bansa sa Asia ay di bihasa sa paggamit ng Ingles tulad ng Japan, China, Vietnam, at iba pa.

Pinatutunayan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na talagang mangmang tayong mga Pilipino at di talaga natin natututuhan pang yakapin at mahalin ang ating sariling wika! Sana ay nailalaan na lamang sa mas mga makabuluhang proyekto ang pondong ginagamit dito. Halimbawa, kung ang ilulunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay salin ng Harry Potter, The Alchemist, o Twilight sa Filipino, aba mas nakamamangha! Biruin mo, mababasa mo sa ating sariling wika ang pinakamabibiling nobela sa mundo? Ganito ang ginawa ng Indonesia, mas salin sa Bahasa ang mga nobelang ito. Dalawang magandang benepisyo ang napapala ng mga taga-Indonesia sa pagbasa ng mga nabanggit na nobela sa kanilang wika: Una, naiintindihan nila ang kanilang binabasa, at pangalawa, nagiging bihasa sila sa kanilang sariling wika.

Nakapagbubukas ng mata at isip ang sinabing ito ni Segundo Matias sa kanyang facebook account. Ayon sa kanya: Ilang taon na rin akong nagta-travel sa iba't ibang bansa kasama na ang Europe at US. Sa Europe at sa ibang parte ng Asia, kapag pumapasok ako sa kanilang book stores napapansin kong hindi lamang English version ng original bestsellers ang naroon, kundi lagi nang may translated version ng kanilang local language. Sa France halimbawa, kapag nagtungo ka sa kanilang book store may English at sa tabi nito'y may French. Ganoon din sa Italia, Germany, at maging sa Hongkong ay mayroong translated Italian, German, and Mandarin respectively. Naisip ko, dito sa Pilipinas bakit hindi? Sa France, Germany at ang iba pang mayayamang bansa ay nagbabasa naman sila ng English pero sa kanilang book stores ay laging may translated version sa sarili nilang lengguahe.

Nakatutuwang binabalikat ng kompanya ni Segundo Matias ang tungkuling magsalin sa wikang Filipino ng mga babasahing nasa wikang banyaga. Ito sana ang pagkaabalahan ng KWF sa mga darating na panahon.

Nakaiinis na rin ang mga kung ano-anong programang iniimbento ng mga paaralan tuwing buwan ng Agosto. Pinipilit na papagsuutin ng mga Barong Tagalog o baro't saya ang mga estudyante, pinagdadala ng mga pagkaing Pilipino, pinatutula, pinagsasabayang-pagbigkas, at iba pa. Bukod sa gastos, malaking abala rin sa mga magulang.

Wala ring halaga sa akin ang kung ano-anong temang ginagawa at ipinamumudmod ng KWF sa mga paaralan. Pilit na pilit na iniuugnay sa kasalukuyang administrasyon na kung titingnan ay wala namang malinaw na mga polisiyang pangwika.

Kung ang wikang Filipino ay batay na sa lahat ng wikain sa Pilipinas, puwede na ring patulain ang mga mag-aaral na Ilokano sa wikang Ilokano, Cebuano sa wikang Cebuano, ang batang Ilonggo sa wikang Hiligaynon. Huwag isungalngal sa kanila ang wikang Filipino na wikang Tagalog pa rin naman ang marami sa mga salita.

Sa poster ngayon ng KWF, makikita pa rin ang larawan ni Manuel Luis M. Quezon. Bakit laging si Quezon lamang ang dinadakila tuwing Agosto? Bakit di rin kilalanin sina Felipe R. Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas Confesor (Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte) na nakipaglaban sa kongreso. Sino sa mga mag-aaral ngayon ang nakakakilala sa kanila?

Agosto ang Buwan ng Wika dahil ito rin ang buwan ng kaarawan din ni Quezon. Lumalabas tuloy na ang Agosto ay buwan din ni Quezon na isang Tagalog. Tigilan na ang ganitong kababaw na dahilan kung bakit Agosto ang Buwan ng Wika. Huwag i-credit sa iisang tao lamang ang pagkakaroon natin ng pambansang wika noon na batay sa Tagalog.

Di tuluyang magiging intelektuwalisado ang wikang Filipino kung mananatili ang ganitong mga walang kabuluhang gawain tuwing Agosto. At di mai-intelektuwalisa ang wikang Filipino kung ang mga ahensiyang pang-gobyerno tulad ng KWF ay pinagtatrabahuhan ng ilang mga empleyadong di intelektuwalisado.

Kailangan natin ay mga limbag na babasahin sa wikang Filipino lalo na yaong mahahalagang larangan. Kailangan ang malawakang pagsasalin ng mahahalagang teksto. Kailangan ang mura ngunit de-kalidad na diksiyonaryo. Madaling sabihing intelektuwalisado na ang wikang Filipino pero nasaan ang ating mga patunay?

Itigil ang pagsasabing mahalin natin ang sariling wika dahil ang di nagpapahalaga sa sariling wika ay di makabayan. Walang maitutulong ito. Di batayan ang pagsasalita ng wikang Filipino ng pagiging makabayan at pinatunayan na ito ni Jose P. Rizal. Kailangan nating kumilos, magsalin, at maglimbag ng mga babasahing nasa ating wika.

Itigil na ang pagpapakita natin ng ating kamangmangan sa sariling wika tuwing Agosto!

_________________________________________________________________

Si Genaro R. Gojo Cruz ay tubong-San Jose del Monte, Bulacan. Nagtapos ng BSE Social Science sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Nagwagi ng mga gantimpala sa pagsulat tulad ng Timpalak Palanca, Gawad Ka Amado, Gawad Collantes sa Pagsulat ng Tula at Sanaysay, Dionatext, Dalitext, Ninoy Poetry Writing Contest, PBBY-Writers Prize at Makata ng Taon 2004. Ang kanyang mga tula at kwentong pambata ay nalathala sa Junior Inquirer Magazine, Liwayway, Pambata Magazine, at mga textbuk sa elementarya. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Pamantasang Normal ng Pilipinas at nag-aaral ng MA major in Philippine Studies sa Pamantasang De La Salle - Maynila bilang iskolar. Kapag may libreng panahon, nagkukuwento at nagtuturo siya sa mga batang-lansangan sa Binondo. (http://www.panitikan.com.ph/authors/g/ggojocruz.htm)

_________________________________________________________________

English translation of above article

Till When Would We Continue to Be Ignorant Every Month of August?

In my view, the yearly celebration of the Month of Language does not really help develop the national language. Worse, the celebration every month of August only demonstrates our true disregard of our national language.

Why do we have to wait for the month of August to arrive just to display our respect and love for our own native tongue? For all the years we have been celebrating, should this not be integrated already in our hearts and mind?

We should not be celebrating our national language only during the month of August but on every single day that we live as Filipinos. This is the language of our utmost aspirations, the spring of our joy and anger, the language of our dreams. Only through our native tongue can we truly and fully express our inner thoughts, feelings and ideas, which is not possible through a foreign language like English.

However, as they say, one can compare the Filipino and the entire nation to a child. Constant scolding and reminding are necessary. We easily forget what our priorities should be as Filipinos. We, Filipinos, have very short memories. In addition, the most educated Filipinos are those with colonial mentality. These individuals have been bombarded by knowledge imported from other countries. They believe that English holds the key to progress. The educational system of the country truly removes Filipinos from their language and culture. But, in reality, the more developed countries in Asia are not well versed in English like Japan, China, Vietnam and others.

The celebration of the Month of Language proves that we, Filipinos, are ignorant and that we have not really learned to embrace and love our native tongue. We should be using the funds allotted for the celebration on much more worthwhile projects. For example, if the Commission on the Filipino Language (KWF) launches the translation of Harry Potter, The Alchemist, or Twilight into Filipino, this would be much more impressive. Imagine, one can now read in his or her native tongue the world's best selling novels. This is what they are doing in Indonesia - there are more translations of these novels in Bahasa. And there are two great benefits to the people of Indonesia. One, they actually understand what they are reading. Second, they continue to master their own language.

What Segundo Matias said in his Facebook account is an eye opener. According to him, over the years, he has traveled through many countries including those in Europe and the US. In Europe and other parts of Asia, he noticed that their bookstores carry not only the English versions of bestsellers but also their translations in the native tongue. For example, in France, if you go to one of their bookstores, you will find books placed side by side, one in English, the other in French. The same with Italy, Germany and even in HongKong, books have been translated into Italian, German and Mandarin, respectively. I was thinking, why not here in the Philippines? In France and in Germany, and in other rich countries, where people could read in English, why do bookstores still need to carry the translated versions into their respective languages?

It is comforting to see that the company of Segundo Matias has taken the initiative to translate reading materials written in foreign language into Filipino. This should be the priority of KWF in the future.

It is annoying to see the various programs being invented in the schools during the month of August. Students are forced to wear the national costume. They are asked to bring Filipino native dishes, recite poems even in chorus. Aside from the costs, this adds distress to the parents.

For me, the various themes being made and distributed by KWF to the schools are likewise not worthwhile. These try very hard to link the programs to the current administration even though the government, upon closer inspection, does not really have clear policies for language.

If indeed the Filipino language is based on all the languages in the Philippines then it should be alright for an Ilocano student to recite a poem in Ilocano, a Cebuano with Cebuano, an Ilonggo child with Hiligaynon, instead of shoving these students the Filipino language which is really mostly Tagalog.

With the current KWF poster, a picture of Manuel Luis M. Quezon can be easily seen. Why is it that only Quezon is honored during the month of August. Why do we not recognize Felipe R. Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas Confesor (Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), and Norberto Romualdez (Leyte) who fought in Congress. Who among our students today will recognize these names.

August became the month of language because this is also the birth month of Quezon. Thus, August is also the month of Quezon, who is a Tagalog. We should stop this shallow reasoning of why August is the month of language. We should not give the credit of having one national language that is based on Tagalog on one person.

The Filipino language will not become fully intellectualized if we continue with the meaningless activities we do during the month of August. And the Filipino language will never become intellectualized if government agencies like the KWF continue to be manned by non intellectuals.

We need to translate into the Filipino language reading materials especially those of great importance. We need widespread translation of important text. We need affordable but high quality dictionaries. It is easy to say that the Filipino language is intellectualized, but what proof do we have?

We should stop insisting that we must love our native tongue for the sake of nationalism. This is of no help. We cannot based one's love of country on one's use of the Filipino language. Jose Rizal already demonstrated this. We need to act, translate and publish in our own language.

We need to stop displaying our ignorance of our mother tongue every August!

Monday, July 30, 2012

On Human Rights, Linguistic Rights, and Mother-Tongue Based Multilingual Education

These words are huge and complex. Each one represents a value, an expression of importance. These are supposedly beacons to guide priorities. Justice, one of the seven values that guided Finland's education reform, is another big word. And in Pasi Sahlberg's words, this entailed "Attaining the goal of offering equal opportunities to a quality education for all has required creating and maintaining a socially just school network."


"Education for All" encompasses all the words in the title of this post. It is the yardstick that must be used to gauge education reforms in the Philippines, including DepEd's K to 12. It must be the primary objective, the rule that should set priorities. When DepEd spends money, time and effort on advertising its new curriculum in shopping malls, one should ask if these efforts are indeed in line with the priorities set by "Education for All".  When DepEd institutes the use of the mother tongue as medium of instruction, one must ask if this is a genuine effort for inclusive education. When DepEd jumps into new approaches, one must ask if basic needs have been provided first.

Leo Ortega Laparan II has been writing a series of article in the Manila Bulletin describing the current situation of schools in the northern islands of the Philippines. The latest in this series talks about Cadadalman Elementary School in Camiguin Norte Island. There are overcrowded classes, lack of textbooks, and poor facilities. The head teacher had the following to share:
“We even use the backstage to hold Grade 4 classes. For that, schoolchildren would have to endure the heat… even us teachers. At present, we lack a school building because of the Preparatory (referring to Kindergarten) classes, which became mandatory effective last year. That makes it seven years for us now. The kids won’t be allowed to enter Grade 1 without taking Prep. That’s why the room that you saw earlier was divided into two. We just chose the best room in terms of safety to ensure the wellbeing of the little children.” 
 The situation in Camiguin Elementary School is no different, as reported earlier in this series by Laparan. Classrooms no longer have ceilings and walls are cracked. Pupils hold umbrellas to keep themselves dry when it rains since their rooms no longer protect them from the elements. With regard to textbooks, as many as ten pupils share one copy and for science in Grade 3, for instance, a 1985 edition is still in use. These stories from the north do highlight the shortages Philippine schools continue to face. Although these islands are indeed remote, one must not be blind to the shortages in schools that are in the neighborhood of the Congress as well as in the public schools near the national offices of the Department of Education. It is a question of priorities, do we put up a display or presentation of K to 12 in the shopping malls or do we send books to Camiguin first?

Inclusive education is a high priority. The rationale behind mother tongue education partly rests on pupils' basic rights. This is in addition to preserving and nurturing cultural heritage. In a recently held International Conference on Teacher Education, Prof. Romylyn Metila of the UP College of Education presented a paper on “The Role of Teacher Education in Championing Linguistic Human Rights (LHR) and Effective Language Learning through Multilingual Education (MLE): A Fight for Fairness”. In the presentation, Metila stressed the need to examine closely the provisions of policies aimed at addressing linguistic rights and mother tongue education. Factors that require thoughtful considerations were enumerated. First, there is a need to recognize that the Philippines is really diverse in terms of languages. There are more than one hundred and fifty languages in the country. Second, the appropriateness and adequacy of these languages to serve as medium of instruction must be evaluated. Third, the spelling and grammar of these languages need to be set before these languages can be extensively used in reading and writing. And of course, last but not the least, the question of how prepared teachers are was likewise raised. The importance of educating the young on their native culture and tongue is not debatable. What requires careful examination are the pedagogical and practical sides of the argument. And these sides are best handled by the teachers and principals in their own respective schools. Inclusive education should be the main goal of the Department of Education in the Philippines. How the academic performance of students in the Philippines could be enhanced is the job of the teacher and not of a bureaucracy.

Sr. Ma. Famita Somogod, Rural Missionaries of the Philippines-Northern Mindanao Sub-Region (RMP-NMR) coordinator, has this to say:

"...Even as the government has identified education as its priority service, the indigenous peoples of Mindanao view it as a “vague illusion.” Accredited schools supposedly established for indigenous peoples were built or established in areas far from the communities. Many residents are also unable to pay even the smallest fees, and some of the Lumad children spend their formative years in community alternative learning schools usually established with the aid of non-government organizations. Even in the rare situations where communities are benefited by a literacy and numeracy school, these are not sustained because of counter-insurgency operations of the Armed Forces of the Philippines (AFP). Instead of protecting the communities from rebel groups, the communities have become the targets of the operations. Militarization and war have resulted to human rights violations, exacerbating the living conditions of the already impoverished indigenous communities, with indigenous children becoming most vulnerable...

...In a conflict situation, children are robbed of both their right to learn and their right to live a child’s life. They are forced to violent realities too early, forced to experience terror too often. And this is not yet even going into the post-conflict trauma that these children suffer. Without access to education, there will be no room for indigenous communities to promote personal development, strengthen respect for human rights and freedoms, and enable individuals to participate freely in a free society...."
To read more,  visit http://www.internal-displacement.org/8025708F004CE90B/(httpDocuments)/48B4F5D25D01D17EC1257A09004EFAA7/$file/Education+and+Militarization+of+IP+Comm+-+Our+Experience+as+Rural+Missionaries+in+Mindanao+april+2012.pdf

 The following are videos depicting the current plight of the Mamanwa tribe of Agusan del Norte:


These are stories from the north and the south. These stories hopefully can help us understand better the words in the title of this post.